Thursday, April 18, 2019

Alak

Isang inuming pangtawid uhaw
Sa pusong nagdaramdam at nais isigaw
Ang pait ng kahapong hindi mabahaw bahaw
Ito ba ang solusyon upang mapawi ang panglaw?

Sa tuwing may kirot ikaw ang hagilap
Idadamay ang kaibigan sa drama at pag iyak
Akala mo ay mabubura nitong alak
Ang bigat sa dibdib subalit lalo nang naungkat!

Isa, dalawang bote at higit pa
Teka lang parang sobra na
Ngunit patuloy pa rin sa paglag-ok
Ayaw paawat,akala'y gamot sa pusong marupok!

Sa bawat pagdaloy nitong likido sa tiyan
Luha sa mga mata ay nakikipagsabayan
Isasambit ng bibig ang katagang ayoko na!
Pero wala pa ring tigil kahit pagod na!

Alak nga ba ang sagot
Upang dagliang makalimot?
Baka naman ang hatid ay sakit ng ulo
Mabigat ang katawan at nahihilo!

Sa bawat tagay magkaroon ng limitasyon
Sapagkat ang alak ay hindi solusyon
Sa iyong sugat na nais maghilom
Laging manalangin ikaw din ay makakabangon!

                (Shalee T. Angulo)

2 comments:

anna lyn ojastro said...

Inuman tau.. πŸ˜‚

clarissa gardon said...

Ang ganda nito.
Minsan kase alak lang ung anjan para damayan ka masaya man o malungkot ,Tagumpay man o Pagkabigo .

Wash Away

 Open your eyes and look at what you see. a world covered by fears and feeling unfree This coronavirus came unexpectedly. Let us fight to...