Saturday, April 6, 2019

Balakid sa EDUKASYON

        Edukasyon.... pinto upang makamit ang tugatog ng tagumpay. Sa pamamagitan nito nahuhulma, napapalawak at iniaangat sa mataas na level ang kaisipan ng bawat indibidwal. Subalit marami pa rin sa mga kabataan ang hindi nakapagtatapos sa pag-aaral o hindi nakatutuntong sa paaralan. Ano nga ba ang bumabalakid o humahadlang?
       Ang kahirapan ang isa sa dahilan kng bakit salat ang iba sa edukasyon. Kung ating ililibot ang ating mga mata sa kapaligiran, mapapansing marami ang salat at nagdidildil ng asin, kumakayod
kalabaw upang malamnan ang sikmura. Sa pagkain pa lamang ubos na ang kinkita at masakit mang isipin maraming kabataan ang humihinto sa pag-aaral at sa murang edad kinkailangan nang maghanapbuhay. Ginagawa nila ito sa hangaring makatulong sa kanilang pamilya at ang naaapektuhan ang kanilang pag-aaral.
       Idagdag pa natin ang kalusugan. karamihan sa mga kabataan ang mayroong malnutrisyon. Hindi nabibigyang pansin ang tamang kalusugan dahil salat sa kaalaman ang mga magulang ukol dito. Dahil sa kulang sa nutrisyon, naaapektuhan ang pag-aaral ng mga bata. Ilan sa kanila ang nagkakasakit na nagiging sanhi ng pagliban sa klase hanggang sa katamaran na ang pagpasok. Nagiging mabagal ang pag-unlad ng pisikal at sikolohikal na kakayahan ng bata.
       Sino nga ba ang dapat sisihin? ang mga mamamayan na sadlak sa kahirapan o ang mga taong may kapangyarihan? Mga mamamayang patuloy na naghihirap sapagkat kulang sa edukasyon upang mapagyabong ang sariling kakayahan. Gobyerno na sa halip palawakin ang pagtulong sa bayan ang siya pang minsang nagdadamot at isinisilid sa bulsa ang kaban ng bayan. Oo nga at mayroong mga programa ukol sa libreng edukasyon ngunit hindi sapat at hindi lahat naaambunan nito.
       Kahapon at Ngayon... Tila usad pagong ang pag-unlad ng bayan. Subalit nasa ating kamay pa rin umiikot ang magandang kapalaran. Nasa diskarte, sipag at determinasyon upang makamit ang edukasyon na siyang magdadala sa magandang bukas.
                   
                                                                                                                (SHALEE T. ANGULO)

Wash Away

 Open your eyes and look at what you see. a world covered by fears and feeling unfree This coronavirus came unexpectedly. Let us fight to...