Friday, April 12, 2019

UNOS

Kung may Tag-araw, May Tag-ulan
    Sadyang kayhirap ng takbo ng ating buhay sa mundong ating gingalawan. Tibay at tatag ang kailangan upang makaahon sa kumunoy ng kahirapan. Paano nga ba makakamit ang kaginhawaan? ... Kaginhawaang hinahangad ng bawat isa.
   Wika nga pana-panahon lamang iyan. Dumarating sa buhay natin na dadalawin tayo ng unos na siyang susubok sa atin. Kung minsan pinanghihinaan na tayo ng loob at tila nais nang sumuko. Maraming katanungan ang sumasagi sa ating isipan kung bakit at paano nga ba makalalayo sa anino ng kasadlakan. Pinagkaitan nga ba ng langit? Napakanegatibong katanungan hindi ba? Subalit bakit hindi tayo magmuni-muni at sa halip na gawing balakid ang mga pagsubok sa buhay, gawin nating armas sa pagharap sa mga hamon. Maging positibo at laging tumawag sa Dakilang Lumikha.
   Nasa sa ating palad kung paano natin masusungkit ang tagumpay. Sa bawat ulan... may araw na sisilip na siyang magbibigay liwanag sa daan tungo sa tagumpay.
     
                 (Shalee T. Angulo)

2 comments:

Mina Gracia L. Maiquis said...

Pinakamahalaga sa lahat ay h'wag tayong bibitaw sa pananalig sa kanya. Minsan may oras na nararamdaman mo na hindi ka nya naririnig mula sa taas yun ay sa kadahilanang hinahanap pa ng Poong Maykapal ang tamang oras para ibigay ang narrapat na para sa'yo. :)

anna lyn ojastro said...

Wag bibitiw sa paniniwala.. Subalit kailangan din na samahan ng paggawa..

Wash Away

 Open your eyes and look at what you see. a world covered by fears and feeling unfree This coronavirus came unexpectedly. Let us fight to...