Sunday, May 5, 2019

Munting Saranggola

Sa aking paglilibot sa paligid
Munting saranggola'y nakita sa gilid
Hinawakan ang pisi at biglang naisip
Na ikaw ay paliparin upang sumayaw sa langit

Habang nkikipaglaro sa hampas ng hangin
Pagkapit sa tali'y kailangang pagtibayin
Kahit pa malayo ang aking tanawin
Ika'y hahayaan basta matayog ang marating

Habang pinapalipad sa himpapawirin
Aking naalala ang taong malapit sa akin
Kasa-kasama sa tambayang malilim
Na siyang pumapawi sa lungkot na kinikimkim

At naisipang ikaw ay ihambing
Sa saranggolang panandaliang inangkin
Oo nga't minsan ikaw ay kapiling
Malapit nga subalit malayo pa rin

Kahit na ganoon ang sitwasyon sa twina
Sa akin ay sapat na, makita ka lang na masaya
Basta huwag sanang maputol itong pisi
Nang pagkakaibigang ayaw mabali!

             (Shalee T. Angulo)




1 comment:

Hermie luna said...

what a beautiful poem. this reminds me so much of my childhood :)

Wash Away

 Open your eyes and look at what you see. a world covered by fears and feeling unfree This coronavirus came unexpectedly. Let us fight to...