Saturday, April 13, 2019

Sana...

Minsan ka na bang humiling ng sana?
Sana ay hindi na matapos pa...
Sana ay muling maranasan pa...
Anong kahihinatnan kung ipinagpatuloy sana?

Minsan ka na bang nagsambit ng sana?
Sana hindi na lang nangyari pa...
Sana hindi na lang naramdaman pa
Ano kayang kalalabasan kung hindi na lang sana?

Sa bawat ngiti sa labi
Bigkas ay sana maulit muli
Sa bawat pait na nakakamtan
Wika ay sana hindi na lang

Sa bawat sakit na nararanasan
Huwag na huwag panghihinaan
Laging isiping...sila'y dumaraan lamang
Upang maging matatag at may matutunan!

                          (Shalee T. Angulo)




Friday, April 12, 2019

UNOS

Kung may Tag-araw, May Tag-ulan
    Sadyang kayhirap ng takbo ng ating buhay sa mundong ating gingalawan. Tibay at tatag ang kailangan upang makaahon sa kumunoy ng kahirapan. Paano nga ba makakamit ang kaginhawaan? ... Kaginhawaang hinahangad ng bawat isa.
   Wika nga pana-panahon lamang iyan. Dumarating sa buhay natin na dadalawin tayo ng unos na siyang susubok sa atin. Kung minsan pinanghihinaan na tayo ng loob at tila nais nang sumuko. Maraming katanungan ang sumasagi sa ating isipan kung bakit at paano nga ba makalalayo sa anino ng kasadlakan. Pinagkaitan nga ba ng langit? Napakanegatibong katanungan hindi ba? Subalit bakit hindi tayo magmuni-muni at sa halip na gawing balakid ang mga pagsubok sa buhay, gawin nating armas sa pagharap sa mga hamon. Maging positibo at laging tumawag sa Dakilang Lumikha.
   Nasa sa ating palad kung paano natin masusungkit ang tagumpay. Sa bawat ulan... may araw na sisilip na siyang magbibigay liwanag sa daan tungo sa tagumpay.
     
                 (Shalee T. Angulo)

You Raise Me Up

God is our strength and power πŸ’•

Thursday, April 11, 2019

Memory

You came into my life unexpectedly.
You bring me joy with your beautiful melody.
The way you stare, it makes me shy.
I'm falling for you; I don't know why.

Suddenly, this laughter turned into tears.
The calmness in my heart was replaced by fear.
I want to run and escape from this pain.
But the water in my eyes is falling like rain.

When I miss you, I just close my eyes.
Looking back at the past with a sweet smile
Happiness that I felt, even for a little while
I thought it was endless, but you said goodbye.

I want to forget, but how can I?
You're still in my heart, and I can't deny.
Love is really full of mystery.
It will drop by and leave only a
Memory!

 
                  (SHALEE T. ANGULO)

                                     

Saturday, April 6, 2019

Family is LπŸ’—ve

"Live every family bond with full of love and care."



Trip to Tagaytay....


Balakid sa EDUKASYON

        Edukasyon.... pinto upang makamit ang tugatog ng tagumpay. Sa pamamagitan nito nahuhulma, napapalawak at iniaangat sa mataas na level ang kaisipan ng bawat indibidwal. Subalit marami pa rin sa mga kabataan ang hindi nakapagtatapos sa pag-aaral o hindi nakatutuntong sa paaralan. Ano nga ba ang bumabalakid o humahadlang?
       Ang kahirapan ang isa sa dahilan kng bakit salat ang iba sa edukasyon. Kung ating ililibot ang ating mga mata sa kapaligiran, mapapansing marami ang salat at nagdidildil ng asin, kumakayod
kalabaw upang malamnan ang sikmura. Sa pagkain pa lamang ubos na ang kinkita at masakit mang isipin maraming kabataan ang humihinto sa pag-aaral at sa murang edad kinkailangan nang maghanapbuhay. Ginagawa nila ito sa hangaring makatulong sa kanilang pamilya at ang naaapektuhan ang kanilang pag-aaral.
       Idagdag pa natin ang kalusugan. karamihan sa mga kabataan ang mayroong malnutrisyon. Hindi nabibigyang pansin ang tamang kalusugan dahil salat sa kaalaman ang mga magulang ukol dito. Dahil sa kulang sa nutrisyon, naaapektuhan ang pag-aaral ng mga bata. Ilan sa kanila ang nagkakasakit na nagiging sanhi ng pagliban sa klase hanggang sa katamaran na ang pagpasok. Nagiging mabagal ang pag-unlad ng pisikal at sikolohikal na kakayahan ng bata.
       Sino nga ba ang dapat sisihin? ang mga mamamayan na sadlak sa kahirapan o ang mga taong may kapangyarihan? Mga mamamayang patuloy na naghihirap sapagkat kulang sa edukasyon upang mapagyabong ang sariling kakayahan. Gobyerno na sa halip palawakin ang pagtulong sa bayan ang siya pang minsang nagdadamot at isinisilid sa bulsa ang kaban ng bayan. Oo nga at mayroong mga programa ukol sa libreng edukasyon ngunit hindi sapat at hindi lahat naaambunan nito.
       Kahapon at Ngayon... Tila usad pagong ang pag-unlad ng bayan. Subalit nasa ating kamay pa rin umiikot ang magandang kapalaran. Nasa diskarte, sipag at determinasyon upang makamit ang edukasyon na siyang magdadala sa magandang bukas.
                   
                                                                                                                (SHALEE T. ANGULO)

Wash Away

 Open your eyes and look at what you see. a world covered by fears and feeling unfree This coronavirus came unexpectedly. Let us fight to...